
nakita ko ang sarili ko sa salamin.. tumataba yata yung mukha ko..ay hindi pala. dumami lang pala ang pimples ko..
(haha. hindi lang halata na puro pimples ako becuase of the wonders of photoshop!!)grabe. maybe pimples are indicators that we are stressed and deprived of sleep. they are red, swollen reminders that we need to slow down a bit and rest. sigh. i need to sleep.
i love sleeping. who doesn't?
it takes me to a place where nothing exists but the faint images of my childish dreams. there, i get to meet snoopy, i get to be shrek and i get to eat anything i want.
i love sleeping. who doesn't?
feeling ko maputi ako pag hindi ako puyat..it gives me a natural high. i feel fully recharged whenever i get 10 hours of sleep. (average ko yun ha.. minsan naoover-dose pa ako, buong araw akong tulog.) nasa highest level and ADHD ko pag masarap ang tulog ko.. i feel so stupid, so clumsy and so lost when i lack sleep. magiging dragon ako pag puyat. grrr.
i love sleeping. who doesn't?
i like floating in that sea of nothingness. when im asleep, everything in the real world fades. there are no deadlines to meet, there are no performances to rehearse, no books to read, no meetings to attend to. i enjoy the momentary blankness only sleep could give.
i love sleeping. who doesn't?
time is non existent when you are asleep. everything is timeless. parang hindi mo nga namamalayan na umaga na e. hindi na nga umeepekto ang alarm sakin e. kaya ayun, 11am na ako dumadating sa 10:30 class ko.
i love sleeping. who doesn't?
whenever i wake up from a good sleep, nawawala ako sa sarili ko. i need atlest 10 minutes to get rid of my hangover. pumunta nga si jep sa bahay namin ng bagong gising ako e, ayun, hindi ko sya pinasin, umuwi nalang tuloy sha.. it's like a part of me is still in that dreamworld and i still need time to put myself together and convince myself that im in the real world now.
haay, i love sleeping, who doesn't?
- eto ang narealize ko habang nakapila for summer registration. o diba? and profound ng naisip ko e nag-eenrol lang naman ako. sabagay, lahat ng ayat ng pwedeng maisip sa mundo ay maiisip mo dahil sa sobrang tagal bago ka makakuha ng subjects. online lang kasi ang registration this summer, e down ang server sa labas ng UP sa pipila ka ng napakahaba. mahihiya nga ang pila sa rio grande at wild river sa enchanted sa sobrang haba ng pila e.pero ok lng. atleast tapos na ako magenroll. and i think the new registration is better.late lang talaga ako dumating kaya mahaba na yung pila.
narealize ko din na napakahaggard ko last school year. pero i think it's one of the most fruitful. and dami kong ginawa. sa sobrang dami, na-experience kong kumain lunch habang naglalakad dahil may mga kailangan pa akong punatahan.(yung lunch talaga ha, as in rice, ulam, drinks at panghimagas. kinain ko yun habang naglalakad.) na-experince ko din magkaron ng 4 meetings at the same time in different places. o diba? indemand?! haha. kaya nga yata dumadami lalo pimple ko. im so stressed. puyat pa ako palagi. pag-uwi ko ng bahay tapos na yung pinoy big brother. super late na yun diba?! but im happy with it. i chose this. i just want to take advantage of the things that would really help me gain more knowledge. i just want to experience new things.
experinces make you rich. and i want to be filthy rich!! (**enter evil laugh..crossfade kidlat**)
some of the things i did last school year:
***alam niyo namang artista na ako..haha..hndi naman. part kasi ng pagiging speech major ang performing. at nageenjoy ako. kahit na mejo nakakapagod at time consuming ang rehearsals. iba ang feeling when you're on stage. iba talaga ang theater, its live. there are no cuts. no second takes. no excuses. when the lights are on, you're on. no turning back. pagnakalimutan mo ang lines mo, kailangan mong lusutan. at dapat hindi halata na mali ka.. walang hiya-hiya. sabi nga nila,"undress.take off all you're inhibitions". just give it you're all.. masarap yung pakiramdam na tumatawa yung mga tao sa mga punchlines, pagumiiyak sila sa madramang eksena at pag pumalakpak sila dahil na-touch mo sila sa kwento ng performance niyo..aaww..hehe.
got the chance to act in a production. dalawa yung roles ko. yung isa taga-bola ng binggo tapos yung isa, photographer. ang saya.
may performance class pa ako at super matrabaho niya. kakapagod pa. bukod pa dyan yung mga performances namin for the org..o dba? in demand?! haha..
**first time kong sumali sa rally, sana nakita ako sa tv. (kaya nga pala "artista ng bayan" ang nakalagay sa banner na hawak ko dahil yung college ko ay College of Arts and Letter! mga manunulat, mga theater performers and the like ang nandun. nanjan ang mga National Artists. hindi yan ka-level ng Star Magic or what..!)
kasagsagan ng pagtutol ng mga estudyante sa tuition increase sa U.P. noong sumama kami sa rally. gusto naming makiisa sa mga desison na gagawin ng UP officials dahil mga estudyante din naman ang maaapektuhan nitomuntik pa nga akong mapasama sa human barricade e (tama ba spelling?), which is not good dahil biyak ang ribs ko.. that same day, kinansel ang lantern parade na tradisyon na ng UP community. ipinagbawal ng admin na pagparada..ayun, bilang matitigas ang ulo, tinuloy ng mga estudyante ang lantern parade kahit na ipinagbawal na ito. hinarang pa nga ang giant lantern namin. bilang member ng KONTRA GAPI (Kontemporayong Gamelan Pilipino - ethnic music/dance ensmeble ng UP) kami ang nasa unahan ng parada habang tumutugtog ng aming mga instruments. grabe yung ganung feeling. nagkaisa kaming lahat para sumuway sa mga opisyal ng UP dahil sa palagay naman namin e walang masama sa gagawin namin. at may ipinaglalaban kami. i had goosebumps many time that day.
**tumakbo ako sa student council. nakakapagod palang mangampanya..grabe. syempre kabilang ako sa tunay, palaban at makabayang partido and STAND-UP.go go. at syempre nanalo ako.wala akong kalaban e.haha..activist yung party namin.at masaya ako dahil nabubuksan ang aking isip sa mga tunay na kalagayan ng ating lipunan..sabi nga nila, hindi nahiimpil sa apat na sulok ng silid-aralan ang edukasyon dahil kailangan nating lumabas sa tunay na mundo upang malaman ang tunay na sitwayson. first hand experiance ba?! alam kong marami pa akong matututunan sa council at sa mga taong makikilala ko.
***i thirst for new things. i really want to learn. and learn more. not just inside the classroom, beyond! but im happy because i can still balance things. i place more value on the things that i think deserve it.. atleast nakakauwi pa ako ng bahay to watch tv with my family at nakakasama parin ako sa mga gala ng obzite.
i just want to get the best out of everything.**
God's day.