Saturday, April 12, 2008
Nakalimutan ko na kung paano lumakad ng mabagal.
ready. get set. go.
takbo.
mabilis.
mas mabilis pa.
hinto.
takbo.
takbo.
hinto.
takbo ulit.
tapos takbo ulit.
ang new years resolution ko ay ang maglakad ng mabagal.
Rumaket ako bilang isang speech coach sa mga third year high school students sa isang paaralan sa may quezon city.
pagkatapos ng aming session, sabay-sabay kaming lumabas sa silid upang pumunta ng canteen. naglakad ako sa corridor na punong puno ng kung anuano ang isip. parang mrt station na may nagsisiksikang mga taong pumupunta't pumaparito. ang daming naglalaro sa utak ko. di ko pa tapos isipin ang isa, iniisip ko na ang susunond kong dapat isipin. tumingin ako sa likod ko. inaasahang katabi ko pa ang mga estudyanteng kanikanina lamang ay aking tinuturuan. pero pag lingon ko ang layo na pala ng aking nilakad at sila, hindi pa masyadong nakakalayo mula sa pintuan ng silid.
sisigaw sana ako ng "hoy, parang kayong namamasyal sa mall of asia ha! talo niyo pa camel sa kabagalan ha!" okaya, "hoy, sige pa. bagalan niyo pa. wala kasi tayong deadline na hinahabol!"
pero hindi ko yun ginawa. ewan ko ba kung ano nangyari. basta tumigil ako at hinintay sila.
ang tagal.
napakatagal.
ang bagal talaga nila mag lakad.
pero
hinintay ko sila.
sinabayan ko sila.
pumasok ako sa classrom nila upang magturo. pero hindi ko inakala na ako ang may mabibitbit na bagong aral sa pag labas ko ng kanilang silid.
naalala ko bigla dati nung highschool pa ako. mabagal talaga kami maglakad. parang hindi pa kami masyadong conscious na tumatakbo ang panahon. kahit late na. kahit gabi na. dati, wala kaming pakialam kahit na mas mabilis pa ang mga kamay ng orasan kesa sa paghakbang ng aming mga paa.
pero ngayon, nag-iba na.
parang mas lumiit ang orasan. mas bumilis ang takbo. ngayon, hindi na pwedeng magpahuli. hindi pwedeng malampasan ng oras. parang racing. parang habulan. kailangang makipaghabulan sa oras.
iba na siguro talaga ngayon. ewan ko ba kung ano nangyari pagkatapos ng graduation nung highschool. parang wala ka ng panahong maglakad ng mabagal. dapat magmadali. dapat bilisan. walang sasayangin na oras. walang segundong papalampasin.napakadaming gagawin. napakadaming pupuntahan. papunta ka palang sa tagpuan A., kailangan mo nang isipin kung pano ka pupunta sa tagpuan B.. kapag nasa paaralan, nasa kalsada, nasa bahay, nasa trabaho, kahit nasa sm, kahit nasa galaan, kahit nasa palaruan, dapat mabilis parin. dapat walang sinasayang na oras.
bilisan mo ang lakad.
kumain ka habang naglalakad.
magbasa ka ng libro habang naglalakad.
makipagkwentuhan ka habang naglalakad.
gumawa ka ng bookreport habang naglalakad.
pagchismisan niyo ang teacher niyo habang naglalakad.
matulog ka habang naglalakad.
walang sasayanging oras.
racing ito.
habulan.
dapat mabilis.
madaming dapat gawin.
mabilis.
mas mabilis pa.
pero
hinintay ko sila.
sinabayan ko sila.
binagalan ko din ang aking lakad. hindi na nakipag-sikyo base sa orasan. hindi ko na inisip yung mga kailangan ko pang gawin at kailangang tapusin. kinalimutan na ang mga deadline. naglakad ako kasama nila.
mabagal.
mabagal na mabagal.
at sa sandaling iyon, sa sandaling panahon na iyon, parang sumabay sa amin ang oras.
bumagal.
mas bumagal.
kasing bagal ng paghakbang ng aking mga paa.
kasing bagal ng pagong at ng camel.
kasing bagal ng saleslady sa sm department store.
kasing bagal ng oras pag hindi ka makatulog sa gabi.
kasing bagal ng oras pag ikaw lang magisa naghihintay sa labas ng bahay ng crush mo.
kasing bagal ng youtube pag hindi ka naka-dsl.
kasing bagal ng oras pag gustong-gusto mo na magbreak time pero ang haba pa ng lecture ng prof sa physics.
bsta.
mabagal.
super bagal.
mabagal na mabagal.
at pagkatapos
ng isang saglit
ng kabagalang
parang
walang
katapusan,
bumalik na ang lahat sa normal.
pag alis ko ng paaralan nila, balik double-time nanaman. balik sa race track. habulan nanaman. racing. walang dapat sayanging oras. mabilis. mas mabilis pa.
pero sa tuwing binabalikan ko ang araw na iyon, ang araw kung kelan sumabay ako sa takbo ng oras ng mga estudyante ko, naiisip kong bumalik don. sa lugar, sa panahon kung saan ikaw ang magdidikta ng takbo ng oras. kung saan hindi mo hahabulin ang panahon dahil sasabay ito ng kusa sayo. pero hindi ko pa nagagawa ulit yon. di ko alam kung saan at kung kelan nangyayari yun. muka naman akong tanga kung pupunta ulit ako sa school nila para lang makisabay maglakad. ewan ko. basta.. ang totoo niyan, di ko alam kung ano ang moral lesson nitong kinukwento ko. basta, ang alam ko lang, pwede naman palang mangyari yon.
***
God's day.
_marvin_
5:08 AM
tag me.......
i'd love to hear from you..
A b o u t _ m e - - - - - - -
I was a swimmer, a tennis and volleyball player. I was a dancer, pep squad member and stage performer. I was a team leader and CAT Executive officer. 'Hyperactive' would be an understatement if you were to describe my lifestyle.. And who would ever think that somebody like me has a congenital heart defect?
***
im marvin. im from cavite. im a speech major from upd. i love to eat, to sleep, to talk, to laugh. i love having fun. id love to meet shrek one day. marami kasing nagsasabing magkamuka kami. nakadilat na daw mga mata ko nung pinanganak ako.. mahilig ako kumain ng spaghetti, pizza, marshmallow, chicken at french fries.
***
It never occurred to me that for the past 17 years of my existence, I was at risk of having a heart failure, and my active lifestyle made the risk grow even more. That is why I thank God and His instruments here on earth - my family, obzite, my friends and the people who touched my life - for keeping my heart beating all this time..