Saturday, September 29, 2007
pag natapos ko bang bilangin ang bawat patak ng ulan hindi, ka na magagalit sakin?
***
Simula pa noong bata ako, naguguluhan na ako kung bakit ang depenisyon ng mga tao ng "magandang panahon" ay panahon na walang ulap at tirik na tirik ang araw na parang any moment ay magmumukang bacon ang mga sinampay na damit sa labas dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ewan ko ba, basta ang aking ideal weather ay yung medyo makulimlim, kasing lamig ng december ang simoy ng hangin at nagbabadyang magbuhos ng tubig ang makakapal na ulap sa langit. Hmm. sarap. ang sarap matulog pag ganun. tapos babalutin ko pa ang sarili ko ng sandamakmak na kumot tapos susuutin ko ang favorite kong jogging pants, jacket at medyas. tapos bubuksan ko pa yung electric fan para mas malamig at para hindi masayang ang outfit ko na im sure mapapahiya ang mga eskimo pag nakita ako. sarap diba? hindi katulad ng tulog ko pag mainit ang panahon. naaalala ko ang nakakairitang init pag pinapagsiesta ako ng lola ko pag palabas na ang 'valiente' after eat bulaga.
I love rainy days. konti lang ang memories ko ng rainy days nung bata pa ako kasi tumira kami for a while sa saudi. at alam naman natin lahat na madalang ang ulan dun. mas madalang pa yata sa solar eclipse at sa pagkakataon nanalo ako sa raffle. pero syempre, dito sa pilipinas, meron naman akong memories ng ulan.
Ang sarap talaga maligo sa ulan. Ewan ko ba. Siguro dun nagmamanifest ang frustration ko dahil wala kaming shower dati at kailangan pang mag tabo. Basta, there's something very magical about running ang playing in the rain. Tapos ibubuka mo pa yung bibig mo para makainom ng tubig (which turns out to be acid rain at ngayon na yata lumalabas ang side effects ng paginom ng acid rain). Di ko rin makakalimutan ang unang beses na pinayagan ako ng nanay kong lumusong sa baha. Hindi lang basta baha ha, yung talagang rumaragasang tubig mula sa umapaw na ilog na may lumulutang pang troso, basura, kama, yero, parte ng bahay at minsan mga hayop at kapitbahay na tinangay ng baha. ang saya talaga.
There is this great sense of freedom pag lumulusong ka sa baha na kulay brown at nababasa ang mukha mo ng tubig mula sa langit lalo na pag you are literally going against the current. parang malaya ka at kahit ano kaya mo at pwede mong gawin. cathartic talaga!(o diba, may mga freedom freedom pang nadudulot ang baha!)
Pero nung bata pa ako nun. Nayong lumaki na ako iba na ang effect ng ulan sakin. Syempre binata na ako. So mas mature na ang eksena. parang coffee commercials. Yung ganun. naalala ko, tumakbo kami nila arlyn at krista from tabon to tat's house sa panamitan. tapos hinahabol kami ng ulan. ang saya nun. just recently, naglakad ako along katipunan habang umaambon. i have an umbrella but i didn't use it. wala lang. tapos nagisip lang ako ng malalim na malalim(sa utak: nanganganak kaya talaga ang mga kisses pag nilagay sa bulak na may alcohol?).
Rainy days give me a chance to think. just think. to revive the emotions i felt before. recall ideas. redefine things. bring back memories.basta, anything that does not require physical work. katamad gumalaw e. at chaka sabi ng psychologists, rainy days make you bring back memories. kaya ayun.
Last time na bumagyo, umuwi ako from manila to cavite. ang sarap sa bus. hindi traffic at hindi ako nakasabit kasi suspended and classes that day.
ang saya. ang lamig lamig. may patak patak ng ulan ang bintana. bumili ako ng mainit na mais. at kumain habang pinagmamasdan ang kasladang lubog sa baha.
***
God's day.
_marvin_
5:31 AM
tag me.......
i'd love to hear from you..
A b o u t _ m e - - - - - - -
I was a swimmer, a tennis and volleyball player. I was a dancer, pep squad member and stage performer. I was a team leader and CAT Executive officer. 'Hyperactive' would be an understatement if you were to describe my lifestyle.. And who would ever think that somebody like me has a congenital heart defect?
***
im marvin. im from cavite. im a speech major from upd. i love to eat, to sleep, to talk, to laugh. i love having fun. id love to meet shrek one day. marami kasing nagsasabing magkamuka kami. nakadilat na daw mga mata ko nung pinanganak ako.. mahilig ako kumain ng spaghetti, pizza, marshmallow, chicken at french fries.
***
It never occurred to me that for the past 17 years of my existence, I was at risk of having a heart failure, and my active lifestyle made the risk grow even more. That is why I thank God and His instruments here on earth - my family, obzite, my friends and the people who touched my life - for keeping my heart beating all this time..