Wednesday, March 08, 2006
Mabilis lang ang sakay.. isang beses sa buhay..
Nagising ako nung isang araw sa message ni yaniboy sakin bago siya umalis.. Hindi napigilang kumawala ng isang patak ng luha mula sa aking kanang mata. Pinunasan ko agad para walang makakita. Bumangon ako na parang walang nangyari at ginawa na ang mga karaniwang ginagawa ko araw-araw. Binasa ko ulit ang kanyang text. At hindi ko na talaga napigilang maging malungkot. Sino ba namang magaakalang yung taong taong kasama ko halos araw-araw simula nang kami ay mga bata pa lamang ay aalis na lang bigla at may posibilidad na hindi na kami magkita muli, kung magkikita man kami, matagal pa. pinilit kong maging normal ang araw na iyon. Pero hindi ko nagawa. Isang nakakabinging kalungkutan ang bumalot sa aking habang binabaybay ko ang kahabaan ng espanya hanggang diliman. Pagdating ko pa sa school, parang lahat ay malungkot din.. ung mga ulap, ung hangin, pati ang mga puno ay parang lumuluha. Parang autumn ang dating kasi walang tigil na nahuhulog ang mga flowers na mukhang pollens mula sa puno. Nakakalungkot talaga..tapos lahat ng tao malungkot..yung mga obzite pa kung anu-anong sad msgs ang sinesend.. hay..
nakakalungkot ang pinagusapan namin ni karyl: Hindi na talaga kami bata. At sa aming pagtanda ay may mga bagay na dapat magbago, mga taong dapat lumisan..
panapanahon ang pagkakatao, maibabalik ba ang kahapon? Hindi. Pero pwede nating alalahanin.. at pwede pa nating ipagpatuloy gumawa ng magandang bukas.. diba akeem? Yani..alam kong babalik ka..hintayin ka namin. Salamat sa lahat. lalo na sa paguunawa mo sakin.. sana magkamukha parin tayo pagbalik mo dito sa pinas..ingat ka. God bless..Jaymee, karl.. sa inyo din.hinihintay pa din namin kayo dito.
One love.
*****
09277925238 - eto ang bago kong cell number.
Naaalala ko ang unang umagang wala siya sa tabi ko. Parang ibang-iba talaga ang umagang iyon. nakakapanibago. hindi ko maipaliwanag. hinanap ko pa nga siya sa pamamagitan ng aking mga kamay sa aking pagasang panaginip lamang pala ang lahat. ngunit wala na talaga siya dun. sumikat nga ang araw sa kalawakan ngunit ang puso koĆ½ umiiyak parin. pinilit kong tunayo pero mahirap. hindi ko lang kasi matanggap na wala man lamang akong nagawa upang ipaglaban siya. hindi ko manlang siya binalikan. hindi ko manlang siya hinanap. kasalanan ko yata ang lahat ng ito. sumakay ako ng bus na wala siya sa piling ko. noong sandaling iyon ay sigurado na akong wala na talaga siya at hinding hindi na siya magiging akin muli. ang lalo pang ikinasasakit ng munting puso kong ito ay ang katotohanang magkukulang na ang buhay ko. siya kasi ang nagpapaalala sa akin kng oras na kumain. kung dapat na ba akong gumising o matulog. siya ang nakakaalam ng mga saloobing kong ipinapadala ko sa mga taong malapit sa akin. siya din ang tanging nakakaalam ng lahat ng mga saloobin ng mga kaibigan at pamilya ko tungkol sa akin. siya yung nadyan palagi para sa akin kahit anuman ang mangyari. pagnawawala ako, siya ang tumutulong saking makabalik muli.ilaw din siya minsan pagmadilim ang nilalakaran ko. siya ang nagtatago ng aking mga sikreto. ng aking mga hinaing at ang mga kasiyahan. pero wala na siya nagyon. kinuha na siya sa akin. iba na ang nagmamay-ari sa kanya. iba na ang katabi niya. iba na ang pinapaalalahanan niya. iba na ang tinutulungan niya. iba na ang iniilawan niya. iba na ang nagsasabi sa kanya ng sikreto. iba na na ang kasama niya.at wala na akong magagawa ngayon..pero ok lang.. buti nalang pinahiram sakin ng tatay ko ang cellphone niya.. :)
*****
dinapuan ako ng higad..ang kati.
*****
tuloy ang awit ng buhay..
One love.
God bless..
_marvin_
7:20 AM
tag me.......
i'd love to hear from you..
A b o u t _ m e - - - - - - -
I was a swimmer, a tennis and volleyball player. I was a dancer, pep squad member and stage performer. I was a team leader and CAT Executive officer. 'Hyperactive' would be an understatement if you were to describe my lifestyle.. And who would ever think that somebody like me has a congenital heart defect?
***
im marvin. im from cavite. im a speech major from upd. i love to eat, to sleep, to talk, to laugh. i love having fun. id love to meet shrek one day. marami kasing nagsasabing magkamuka kami. nakadilat na daw mga mata ko nung pinanganak ako.. mahilig ako kumain ng spaghetti, pizza, marshmallow, chicken at french fries.
***
It never occurred to me that for the past 17 years of my existence, I was at risk of having a heart failure, and my active lifestyle made the risk grow even more. That is why I thank God and His instruments here on earth - my family, obzite, my friends and the people who touched my life - for keeping my heart beating all this time..