_marvin_
_marvin_
2:57 AM
The climb wasn't easy, but the view on top was worth it..
Umakyat kami sa taal volcano kasi may filed trip kami sa geography class.. At natanggal ang mga swelas ng sapatos ko. Nakakainis talaga. Muntik na akong atakihin sa sobrang taas at sa sobrang init ng singaw ng bulkan. Nasa alert level kasi ung taal nung pumunta kami. So any moment, may posibilty siyang sumabog. Exciting diba? Pero masaya yung experience. Kakaiba talaga ang field trip nay un. First time kong sumakay sa harap ng bus at matulog sa biyahe. Nung highschool kasi palagi kaming naguunahan umupo sa likod tapos daldalan lang hanggang makauwi. Sabi nga nila, sa filed trip, it's not really the field that matters but the trip itself. Miss ko na mga field trip nung highschool. Pero ok lang kasi parang palagi parin namang nagfifield trip ang obzite. Hindi nga lang sa malaking bus sumasakay. Naalala ko yung first time kong magfield trip sa atheneum. Sa manila zoo kami pumunta. Tapos habang nasa bus, kumakanta kami ng "may pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay." Wala lang share ko lang. ang jologs mo paghindi nyo yan kinakanta sa bus pag field trip.
*****
A debut is not just a celebration of becoming, but also a celebration of how we have become who we are..
Debut ni febe kanina. Hawaiian. Ang saya. Lahat nakasummer outfit. Binili pa kami ni niqui ng bronzer kaya ang itim itim namin kagabi. Hehe. As usual, c monster (leslie) ay hindi nanaman naghanda sa kanyang outfit. Hehe.si ranier at si arcie pareho pa ng polo. Saya. Kinabukasan na kami ng hapon umuwi.
Nakakatuwa. Panahon ng mga debut ngayon. And sarap umattend sa mga debut ng mga kabatch mates mo. Hanggang nagyon, hindi parin nagsisink in sa akin na matatanda na talaga kami.
Sa lahat ng nag 18 na, katulad ko, ang masasabi ko lang ay "ang tanda na natin! Pero cute parin.."
*****
Congrats sa mga graduates lalo na sa ate ko at sa mga 4th year sa atheneum...
Grabe. Parang kelan lang kami yung gumraduate. Ang bilis talaga ng school year pag college kesa pag highschool. Bakit kaya? Dahil ba super daming ginagawa? O dahil kahit super daming ginagawa e nakatengga lang kaming lahat at tumatambay hanggat lumipas lang ang oras? Ewan. basta tapos na ang first year college. Grabe.
*****
naalala ko tuloy yung mga nangyari sakin nitong first year ako sa UP.
Hahaha.. nakakatawa talaga. First year ko sa UP ay napakasaya. Na-culture shock talaga ako nung 1sy year. Panu ba naman, naka octopus costume yung kakalase ko sa math. Tapos nakasalubong ko si B1 at B2 sa kalsada. Tapos maraming nagrarally kahit may klase. Grabe ang mga stage play at pelikulang pinapalabas. Walang bawal bawal dun.
Kahit ano pwedeng gawin. Haha..
Magffirst year ako nung nalaman kong may sakit ako. Muntik na nga akong hindi makapagenroll, buti nalang mababait mga tao sa UP.Salamat nga pala sa kanila.kinakamusta parin nila ako pagnakikita nila ako. Nakakayouch.. Hindi ako nakaattend ng mga acquaintance party at freshmen concert noon kasi nga may sakit ako. So mejo hindi ko nafeel na freshie ako. Pero ok lng. Mas maraming nangyaring maganda. ( background music: gulong ng palad.. lumakas ang simoy ng hangin, bumuhos ang ulan, kumulog, kumidlat at sumigaw ako ng, "win na win sa wings detergent!") wala lang.
*****
ang sakit ng likod.. ikaw?
12:48 AM