Monday, April 24, 2006
Trip: mga kwento ng taong walang dorm sa diliman

hindi talaga ako sanay sa mga mahahabang biyahe. pero sa kakaparoo't parito ko from noveleta to diliman at sta. cruz(bahay ng lola ko) to diliman, medyo nasanay na ako. minsan, nakakabadtrip talaga magcommute. pero iba parin talaga kasi pagnauwi ka sa bahay niyo. kaya ako, umuuwi ako whenever i have the chance and reason to go home. kahit na minsan, nakatayo ako buong biyahe from noveleta to quezon ave. grabe diba? not to mention ang pakikipag gitgitan sa saulog bus at pakikipag wrestling sa mga nakatayo ding mga tao para makapababa ka sa bus. parang obstacle course kung galing ka sa dulong part ng bus at gusto mo nang bumaba. grabe naman kasi. umaapaw na ang bus sa tao nagpapasakay pa rin. Well, we cant do anything about it. ganon talaga. lahat kailangan makapunta sa kanilang paroroonan at makauwi sa pinanggalingan. nawalan na nga pala ako ng cellphone habang pasakay ng saulog. grabe pa naman ang sentimental value na inattach ko dun dahil tatay ko bumili sa akin noon at maraming mga memories ang cellphone na yun dahil sa mga messages na sinend and nareceive nun.. well, iniisip ko nalang na ok na rin na nawala yung phone ko. Para tuwing babalikan ko yung mga nangyari sa buhay ko, ang maaalala ko ay yung mismong feeling na naramdaman ko at that particular moment at hindi yung tangible messages na sinend sa akin. O dba? Ang gandang pangpalubag ng loob tuwing mawawalan ng phone?
Anyway, marami pa akong hindi masyadong magandang experience sa pagbibiyahe. Katulad nung naipit yung bag ko sa pinto ng lrt. Ayun! Bumyahe ang tren from one station to the next nang nakalawit yung bag ko sa labas ng pinto. Nakakahiya talaga. Hinintay ko pa yung sususod na station para bumukas yung pinto. Ilang beses narin akong natalisod, natipalok, nadapa, nagdive, nasanggi, nabatukan at nagitgit sa mrt, lrt at bus. Makailang beses narin akong tumakbo ng pagkalayo-layo pero iniwan parin ako ng bus (parang yung eksena sa meteor garden nung hinabol ni san cai si dao..parang ganung effect..) haayyy…
Sa mga jeep naman, ang ayoko lang ay ang siksikan. Grabe naman kasi parang lalabas ng sa bibig ko yung lungs ko sa sobrang siksikan sa jeep. Yung mga barker naman sasabihin maluwag na maluwag pa. Aba kuya! Filing niya yata kasing liit kami ng sanggol.tapos yung katabi mo pa hanep makabukaka.kulang nalang humiga sya para mas komportable! Nakita na namang nagsisiksikan bubukaka pa. Naiinis pa ako sa mga jeep driver na mayayabang, feeling nila sila mayari ng kaslada! Kapal ng face. Buti pa si Elbert, hindi niya masyadong naeexperience ang mga ganito. Palagi kasing naka-taxi ang loko e. super arte kasi. Ayaw daw niya mainitan. Kahit yata walking distance lang yung pupuntahan nagtataxi yung taong yun.. Nakakinis din sumakay sa fx. Marami kasing fx na mapagpanggap e. Yung bang mukang bago at malamig pero pagsumakay ka daig pa ang Dubai sa sobrang init. Malakas pa yata ang hangin mula sa mga butas ng ilong ko kesa sa aircon..
Hehehe.. yan ang mga experiences ko sa aking pagbbyahe. Marami pa yan.. chaka ko nalang ikkwento yung iba.. Grabe no? pero nadiscover ko na masarap din mag biyahe (lalo na pagnakaupo ka sa malamig na sasakyan at hindi traffic sa talaba!). pagnagcocommute ka kasi ng malayo most of the time hindi mo kilala ang mag makakasabay mo sa bus. Youre just another face, another person para sa kanila. At sila din para sayo. Hindi kasi kayo magkakakilala e. you share one thing in common – anonymity. and because of that anonymity, you feel a sense of belongingness. Ewan ko ba. Basta yun ang nararamdaman ko. Feeling ko kaclose ko yung mga nakakasabay ko.parepareho lang naman kasi kayong hindi magkakakilala. Parepareho lang kayong nagbbyahe.
Another good thing about commuting is that you don’t have any choice but to sit still (or stand still) and think. Nagkakaroon ka ng time para sa sarili mo. Wala ka kasing pedeng gawin e. alin naman gumawa ka ng assignment habang nakasabit sa bus. Hindi ka rin naman pwedeng tumambling or magsplit kasi walang space..dun ko naiisip yung mga text messages na sinesend ko..dun nabubuo ang mga ideas ko. Dun din ako nagrereminisce ng mga nangyari sakin that day. Minsan nga napapatawa nalang ako bigla e pag may naalala akong nakakatawa. paki ba ng katabi ko e hindi ko naman sya kilala..
Basta. Ang sarap umupo sa tabi ng bintana ng saulog (yung bago ha, hindi yung sirasira..) habang nararamdaman ang malamig na simoy ng aircon. Gabi na, umuulan pa. pagod ka na pero hindi ka parin matutulog. Ibibigay mo ang oras na yun sa sarili mo. tapos magiisip ka nang malalim habang nakadungaw sa bintana kung saan makikita mong parang dumadaan ang panahon..
(chika lang..)
one love..
God bless..
_marvin_
2:57 AM
tag me.......
i'd love to hear from you..
A b o u t _ m e - - - - - - -
I was a swimmer, a tennis and volleyball player. I was a dancer, pep squad member and stage performer. I was a team leader and CAT Executive officer. 'Hyperactive' would be an understatement if you were to describe my lifestyle.. And who would ever think that somebody like me has a congenital heart defect?
***
im marvin. im from cavite. im a speech major from upd. i love to eat, to sleep, to talk, to laugh. i love having fun. id love to meet shrek one day. marami kasing nagsasabing magkamuka kami. nakadilat na daw mga mata ko nung pinanganak ako.. mahilig ako kumain ng spaghetti, pizza, marshmallow, chicken at french fries.
***
It never occurred to me that for the past 17 years of my existence, I was at risk of having a heart failure, and my active lifestyle made the risk grow even more. That is why I thank God and His instruments here on earth - my family, obzite, my friends and the people who touched my life - for keeping my heart beating all this time..