Oh no!! Kleptomaniac yata ako!!!!
Akala ko'y isang ordinaryong araw lamang iyon. pero nagkamali ako.
Kasama ng aking lolo at lola, buong puso kong kinakanta ang theme song ng "maging sino ka man" na talaga namang sinusubaybayan naming lahat. Nakapapanabik kasi ang mga tagpo ng mga tauhan. Nasisiyahan ako dahil lumiluhis na ang mga kwento ng mga palabas mula sa mga nakagawian at at gasgas na mga istorya (maganda na sana yung palabas, but can i just say na corny yung part na tumatagos si eli sa pader dahil kaluluwa nalang siya.ok na ko.).
Habang patalastas, napansin ko na may bread pan na nakapatong sa lamesa.
Sabi ko sa isip ko, "hmmm...ang sarap naman ng bread pan na yun. color green pa. yum-yum..gusto kong kumain ng ganun.. grrr..!" pero nakakahiya naman hingin yun kasi sa lola ko yata ang pagkain. so hindi ko na lang pinansin at umakyat na ako sa kwarto.
Pero nagulat ako kasi pagpasok ko ng silid ay hawak ko na ang kulay green na bread pan!!! at hindi ko man lang natatandaan na dinampot ko ang pagkain na yon!
ang bilis ng kabog ng aking dibdib na para bang may tren na malapit nang lumabas mula dito. bumilis ang aking paghinga at binalot ako ng nakakapanginig na takot.
klepto ako! magnanakaw ako ng bread pan!
hindi ito maaari!
hindi ako kriminal!
dali-dali akong bumaba at bumalik sa pinangyarihan ng pagnanakaw. pasimpleng kong ibinalik sa lamesa ang pagkaing nagtulak sa akin upang gawin ang krimen. sana hindi nila nasaksihan ang pang-oomit ko ng hindi ko pagmamay-ari. anong nangyari sakin!? bakit ako nagkaganito?!
waaahh!!
pawis na pawis akong bumalik sa kwarto. balisa at hindi alam ang gagawin.
pa-sikreto kong sinabi sa aking matalik na kaibigan ang krimeng ginawa ko. ang sabi niya naman, "haha. nakakatawa.."
(seryoso ako. ganyan talaga ang nangyari. at hindi oa ang pagkakakwento ko. natakot talaga ako.)
*****
eto na yung 6 weird things about me. im not really sure if they're weird. basta yan yung mga naisip ko.
1) I've seen my heart. At kung binabasa mo ito, malamang nakita mo narin. ayan o. tutuklawin ka na! at sabi ng doctor ko, iba daw talaga ang structure ng heart ko. may mga ugat-ugat na hindi natatagpuan sa normal human heart. o dba? san ka pa?Eto pa, most hearts are slightly tilted to the left. kaya dun nakalagay ang kamay pag nagbabayang magiliw tao diba? dun kasi nakalagay yung puso niyo. well, ibahin niyo ako. yung sa akin nasa gitna. as in center ng dibdib. so dapat pag national anthem nasa gitna ang palad ko. Tapos malaki ang puso ko. well, that was before the operation. we're expecting na lumiit na siya.
2) Wake me up. twice. nakwento ko na yata ito e. wala ako sa sarili pag bagong gising. parang wala akong naririnig at naiinitindihan. kaya dapat gisingin niyo ako ulit. nakatulala kasi ako at parang bangag. medyo gumaling na nga ako sa sakit kong ito e. nung bata ako, kung anu-ano pa ginagawa ko pag bagong gising. sumasayaw pa nga daw ako e. wala talaga ako sa sarili. atleast ngayon tulala nalang.wag niyo nalang akong kausapin pag kakagising lang. wala kayong mapapala.
3) Malaki ang pusod ko. hay naku. mahabang kwento kung bakit ganyan ichura ng pusod ko. basta. wag niyo nang pangarapin tignan. haha. naalala ko sila arlyn pag iminumwestra kung gaano kalaki ang pusod ko. ibubuka nila ang kaniyang kamay at gagawa ng hugis na kasing laki ng mansanas. oa naman yung mga yon. wag kayong maniwala. hindi ganun kalaki.
4) Dilat na ang mata ko noong isinilang ako. o ano? ano ang malabo dun? kailangan ko pa bang i-explain? wala kang pakialam kung bakit nakamulat na ang mata ko nung ipinanganak ako. akala ko nga lahat ng baby ganun din. yun pala ako lang. nakapikit pala lahat sa loob ng sinapupunan at hindi pa nila kayang dumilat dahil nasisilaw sila. hay naku, siguro im just excited to see the world. o baka malaki lang talaga ang mata ko.
5) May dimples ako sa dila. ayun. may dimples ako sa dila. dalawa. at hindi siya lumalabas pag nagssmile ako. lumalabas lang siya pag nakadila ako. ano pa nga ba?
6) mmmm..yumm.sarap.. Natataranta ako pag kumakain ng mga paborito kong pagkain > luto sa bahay namin pag may birthday, spaghetti ng nanay ni akeem, spaghetti with hotdog sandwich sa malen's, yung niluluto ng nanay ni jep na may white sauce, wendy's, krispy kreme, cello's, french fries, pizza hut, yellow cab, fried chicken ng kfc, al baik, mcdo, jollibee... waahh. ang sarap kumain. at pang-commercial ako kumain. pumipikit pa at hindi ko mapigilang hindi sabihin ang "mmmm...sarap. mm.."
konti lng ang alm kong nagbblog. so ibabalik ko nlng sainyo ito kht alm kong nagawa niyo na to..haha..wla lng.
wilfredo
rut
paul
liz
karyl
jazz
*******

mga proposals sa shirt design ng college of arts ang letters. bongga.
*******
God's night